Policewoman binaril ng 3 snatcher

MANILA, Philippines - Sugatan sa tama ng bala ang isang babaeng miyembro ng Southern Police District (SPD) nang manlaban sa tatlong lala­king snatcher na humablot ng kaniyang shoulder bag sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hos­pital (PGH) ang biktimang si PO1 Janille Glaiza Lazarette, 27, dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan mula sa mga suspect.

Sa ulat ni PO2 Ferdinand Manalo ng MPD-Station 9, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Taft at Quirino Avenue, Malate, Maynila habang lulan sa kanyang motorsiklo ang pulis. Ha­bang nakahinto sa naturang lugar ay nilapitan ito ng tatlong suspect.

Hindi umano akalain ng biktima na hahablutin ng mga ito ang kaniyang bag kaya pumalag siya at sa puntong iyon ay pinaputukan siya ng mga suspect bago tumakas.

Show comments