Mister tinodas sa inuman

MANILA, Philippines - Napaslang ang 28-anyos na mister nang makaalitan ang kaniyang kainuman sa Pasig Line, Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang patay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jaypee Travisonda ng Phase 4 Quinastillojan,Tobacco, Albay at sinasabing bumisita lamang sa mga kaanak.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Sampaguita Street  malapit sa panulukan ng Pasig Line, Sta. Ana, Maynila.

Huling nakitang nakikipag-inuman ang biktima sa suspect na alyas Bobby at dalawa pang lalaki  kung saan nauwi sa komosyon ang kanilang inuman.

Kasunod nito, sinaksak ang biktima kung saan tumakas naman ang suspek.

Show comments