MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ngayon ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang pagkamatay ng isang pedicab driver na hinihinalang isa ring holdaper, kung ito ay napatay sa gulpi o nasawi sa pagkalaglag sa bubungan, kamakaÂlawa ng hatinggabi sa naturang lungsod.
Nagtamo ng malaking sugat sa ulo sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Marlon Alamag, 33, ng Lim Compound, Brgy. San DioÂnisio, ng naturang lungsod.
Hawak naman ng pulisya ang itinuturong suspek sa pangÂgugulpi na si Leroy Santos, 36, lider ng volunteer group sa lugar na lumalaban sa mga kriminal, habang inimÂbitahan rin ang dalawang barangay tanod para sa pagtatanong.
Sa inisyal na ulat, nagpapahinga na sa kanyang bahay si Alamag nang may mga lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Sinabi ng misis ni Alamag na si Lisa na pinagtulungan umano ng grupo ng lalaki sa pangunguna ni Santos na gulpihin ang mister dahilan para masawi ito.
Sinabi rin naman ni P/Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque Police, na base naman sa pahayag nina Santos, nang makita sila ni Alamag ay tinangka nitong tumakas sa pag-akyat sa buÂbungan ng kapitbahay.
Ngunit dahil sa pagmamadali, nadulas ito at nahulog sanhi ng pagkabagok ng ulo at naging mitsa ng kamataÂyan. Nakuha naman malapit sa bangkay ng biktima ang isang kalibre .38 paltik na baril.
Ayon pa sa pulisya, iimbiÂtahan lamang umano ng mga tanod si Alamag upang tanungin sa mga akusasyon sa kaniya na sangkot ito sa nagaganap na holdapan at nakawan sa kanilang lugar.