MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagpapasinaya sa bagong tayong monumento ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson.
Mismong sa harap ng Manila City Hall Freedom Triangle nakatayo ang 4-meter bronze statue ni Lacson na sinaksihan naman ng mga anak nitong sina Millie Lacson-Lapira at Arsenic Lacson.
Ayon kay Estrada, hindi matatawaran ang naging pamamalakad ni Lacson sa lungsod dahil agad nitong nililinis ang lungsod mula sa mga tiwaling kawani at opisyal.
Nabatid na umaabot sa 600 empleyado at tiwaling opisyal ang sinibak ni Lacson noong siya ang alkalde ng Maynila.
Dahil dito, sinabi ni Estrada na maaari niya ding gawin ang pamamalakad ni Lacson upang mas mapabuti at maging maayos ang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Ipinasya ni Estrada na muling pagawaan ng monumento si Lacson matapos na sirain ng bagyong Pedring ang monumento nito sa Roxas Blvd.