MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District (MPD) ang seguridad ngayong araw sa mga vital installations kaugnay ng paggunita sa kamatayan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal at Rizal Day bombing.
Ayon sa pamunuan ng MPD, lahat ng mga personnel ay kanilang ipinalabas upang italaga sa vital installations kabilang na ang Light Rail Transit (LRT), oil depot at mga mall sa lungsod.
Mayroon ding itatalaga sa mga patrol na tutulong sa augmentation ng mga tauhan ng Philippine National Police-National Capital Regional Police Office na lilibot sa buong lungsod upang maiwasan ang anumang plano ng mga criminal na gumawa ng krimen.
Nabatid sa MPD na umaabot sa 200 tauhan ng Regional Public Safety Batallion (RPSB) at 200 tauhan ng Regional Personnel Holding and Administrative Unit (RPHAU) ang ipinakalat bilang augmentation.
Maging ang seguridad sa palibot ng Luneta kung saan pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagdiriwang ngayong Rizal Day ay sapat upang maiwasan ang anumang gulo.
Binigyan prayoridad din ng MPD ang seguridad sa LRT matapos na maganap ang madugong pagpapasabog sa tren noong Disyembre 30, 2000 kung saan 22 ang namatay.
Aniya, hangad nila na wala ng karahasan na mangyari kung saan ang mga inosenteng sibilyan ang nadadamay.
Inihanda din ng MPD ang 6-hour basis para sa seguridad sa sitwasyon ng lungsod kung saan kadalasang kinukuha ng mga criminal ang pagkakataon na gumawa ng gulo kung saan abala ang mga awtoÂridad.
Subalit ayon sa MPD, tuluy-tuloy na ang kanilang surveillance at monitoring hanggang Bagong taon upang mabigyan ng sapat na seguridad ang publiko.
Ayon sa MPD, nais nilang maibalik sa publiko ang tiwala sa kanila kung kaya’t puspusan din ang kanilang ginagawang pagsugpo sa krimen at katiwaÂlian.