TODA prexy itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa nakilalang salarin ang pangulo ng isang Tricycle Operators-Drivers Association (TODA) habang nagpapaligo ito ng kanyang mga alagang baboy, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City. Agad na nasawi dahil sa maraming tama ng bala ng baril  ang biktimang si Luis Gragasin, 60, ng M. Delos Reyes St., Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela Police, nagpapaligo ng mga alagang baboy si Gragasin sa likod ng kanyang bahay dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang sumulpot ang dalawang lalaki at sunud-sunod itong  pagbabarilin. 

Ayon sa isang saksi, sinilip niya ang pinagmulan ng putok at nakita ang dalawang lalaki na papatakas sakay ng isang motorsiklo. Inaalam naman ngayon ng pulisya ang motibo ng krimen kabilang ang posibleng puwesto nito bilang pangulo ng Fortune Extension Tricycle Operators and Drivers Association.

 

Show comments