MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating Quezon City Mayor Ismael “Mel†Mathay, matapos na isugod sa ospital dahil sa atake sa puso, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, alas-9 ng umaga nang atakehin sa puso ang dating alkalde na naisugod pa sa Medical City sa Pasig ngunit idineklara ding dead-on-arrival.
Si Mathay, 80 ay nagsilbing alkalde sa lungsod simula 1992 hanggang 2001.
Dadalhin ang kanyang mga labi sa The Christ the King Parish sa Green Meadows sa White Plains, Quezon City.