63-anyos lolo itinumba

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bawal na droga ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 63-anyos na lolo ng di-kilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Bernardo “Boy Santo Niño” Pamandaan ng Phase 1, Flovie Homes 4, Paradise Village, Barangay Tonsuya  sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril bandang  alas-4:45 ng madaling-araw kung saan patungong tindahan ang biktima para bumili ng sigarilyo.

Pagsapit sa madilim na bahagi ay hinarang at pinutukan ng suspek ang biktima.

Sa tala ng pulisya, sinabi ni P/Senior Supt. Severino Abad,  hepe ng Malabon City PNP, may kinakaharap na kasong droga ang biktima sa Malabon City  Regional Trial Court Branch 72.

 

Show comments