Ginang niratrat, patay

MANILA, Philippines - Isa na namang ginang ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay kamakalawa sa Navotas City. Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido  ang biktimang si Edna Malihan, 53, ng Champaca St., Brgy. North Bay Boule­vard South ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente alas-5:30 ng hapon habang nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan ito ng suspek at walang sabi-sabing barilin.

Kaagad na bumu­lagta ang  ginang na na­ging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments