MANILA, Philippines - Hinatulan ng 30 taon pagkakabilanggo ang dalawang Chinese national matapos na mapatunayang nagkaÂsala sa pagdadala ng mahigit sa 330 kilos ng shabu sa ating bansa noong 2001.
Sa 41-pahinang deÂsisyon, napatunaÂyan ni Regional Trial Court Branch (RTC) 79 Judge Nadine Jessica Corazon Fama na nagkasala ang magkapatid na sina Edwin Chua at William Chua dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 1972.
Pinatawan ng huÂwes ng reclusion perpetua o kahit man lamang 30 taon pagkakapiit.
Ang paglabag ay iniÂhain kaugnay sa 1972 law at hindi sa Comprehensive Dangerous Drugs Law of 2002 – dahil ang pagdakip ay nangyari noong Nov. 15, 2001 sa Zambales.
Ang kaso ay orihinal na isinampa sa isang RTC sa Iba, pero kalaÂunan ay inilipat sa Quezon City kasunod ang isang motion for transfer at ang sumusunod na approval ng Supreme Court.
Samantala, ang kaso laban sa ikatlong suspek na nakilalang si Henry Tamayo Tan ay naka-archive na matapos na makaÂtakas mula sa selda sa Camp Crame noong Oct. 2002.
Ang kaso ay isinampa matapos na ang akusado ay naÂdakip ng elemento ng NBI na nakaharang sa dalawang asian utility vehicles – isa ay minamaneho ni Tan, habang ang isa ay dala ng magkapatid na Chua sa ginawang operasyon kung saan nasabat ang malaking kargamento ng illegal na droga.
Ayon kay Prosecution witness Geovel Aperio, isang special investigator ng NBI, inatasan siya ng ahensya para maghanda ng isang operasyon kasama ang kanyang team para masabat ang illegal shipment na dadaong sa may baybayin ng La Union. Sabi nito, ang source umano ng impormasÂyon ay ang Philippine National Police (PNP) NarcoÂtics Group at ang Drug Enforcement Agency ng United States of America.