MANILA, Philippines - Naghalo ang dugo at kulay pulang blusa ng bading na may-ari ng isang beauty parlor nang bumulagta ito matapos barilin sa batok habang bumibili ng masking tape, sa isang tindahan, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Allan Soriano, nasa 25-30 anyos, katamtaman ang paÂngangatawan, tubong Davao City at nakatira sa kaniyang parlor na matatagpuan sa no. 1242 Lardizabal st,, SampaÂloc, Maynila.Nakasuot lamang ng maong shorts at blusang pula na pambabae.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkilanlan ng suspect na isang lalaking nasa edad din ng 25-30, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’5’’-5’7’’ ang taas, at armado ng di pa tukoy na kalibre ng baril.
Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala 1:30 ng madaÂling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng no. 300 F. Jhocson St., malapit sa panulukan ng Lardizabal St., Sampaloc.
Sa imbestigasyon, luÂmabas lamang ng bahay ang biktima, sa kasuotang pambabae, upang bumili ng masking tape sa kalapit na “Pamn Store†, nang habang nakatutok ang atensiyon sa tindahan ay hindi namalayan ang paglutang ng suspect sa kaniyang likuran.
Malapitan at isang putok lamang ang pinakawalan ng armadong suspect, na tumama sa batok ng baÂding, na ikinabulagta nito.
Wala nang buhay ang nakaÂtihayang bangkay ng biktima nang dumating ang mga awtoridad.
Ayon sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operation (SOCO) team sa panguÂnguna ni Senior Insp. Liz-Ann Sugcang, isang bala lamang ang tinamo ng biktima sa batok, dahilan upang kumalat sa kaniyang kinahihigaang kalye ang dugo.
Dinala sa Nathan Funeral Homes ang labi ng biktima.