Sekyu ng Manila City hall utas sa pedicab driver

MANILA, Philippines - Patay ang isang 58-anyos na miyembro ng Civil Security Force (CSF) ng Manila City Hall nang ma­ka­­alitan at saksakin siya ng pedicab driver sa Mehan Garden, Arroceros, Ermita,  Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang bik­timang si Dominador Valdez,  nakatalaga sa Boys Town sa Marikina, na pinatatakbo ng Manila City government.

Hindi nagtagal ay sumuko naman ang suspect na si Benjoe Bago, 22.

Sa ulat ni SPO1  Jonathan Moreno, dakong alas-9:25 ng gabi nang makitang nagtatalo ang biktima at suspect sa hindi mabatid na dahilan sa Mehan Garden sa Antonio Villegas St., Arroceros.

Nakita na lamang na bumagsak na ang sekyu at tumakas naman ang suspect kaya ilang concerned citizen ang nagsugod sa kaniya sa pagamutan.

Ilang oras ang nakalipas ay sumuko  sa isang kagawad ng Brgy. 659-A,  Zone 71 sa PCP Lawton ang suspect.

Show comments