Fastfood chain nilooban

MANILA, Philippines - Nilooban ng hindi pa kilalang suspek ang sangay ng isang sikat na fastfood sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa pahayag ni Jhonie Sari, 32, branch manager, alas-4:52 ng madaling-araw, pagpasok niya ay na­pansin ang mga bakas ng mga paa sa sahig at pagpunta sa kanyang opisina ay napansin na wasak ang vault kung saan nakalagay ang bentang P300,000.

Wala rin ang dalawang laptop na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Lumalabas na dumaan ang suspek sa kisame ma­lapit sa banyo kung saan naiwan ang 2 screwdriver, iron cutter, lagaring bakal at flashlights.

Nakunan ng closed circuit television ang mga suspek kung saan inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

Show comments