Lola lasog sa 10-wheeler truck

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 79-anyos na lola nang masagasaan ng ten wheeler truck habang tumatawid sa Pandacan, Maynila, kahapon ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang  si Leonila  Mariano Tulio, residente ng Labores Extention, Pandacan, Maynila.

Agad namang sumuko  ang drayber ng na­sabing truck na kinilalang si Alberto Belialba , 27, ng Bldg. 8,  Paradise Building , Balut, Tondo.

Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Group, dakong ala-1:15 ng hapon kahapon ng  maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Pres. Quirino Avenue, malapit sa West Zanora, northbound lane.

Rumaragasa umano ang truck nang papatawid ang matanda, na posibleng hindi na nailagan ng drayber.

Nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang sumurender na tsuper.

Show comments