Shootout: 3 holdaper utas

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong kilabot na holdaper matapos na ma­kipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa lungsod Quezon, kahapon ng ma­daling-araw.

Sinasabing  dakong alas-2:00 ng  madaling-araw nang holdapin ng tatlong armadong lalaki ang minamanehong  KDCV taxi  ni Francis Diaz sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Criminal Investigation Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, pinara ng isa sa mga suspect ang naturang taxi sa Congressional Avenue at nagpapahatid sa Sinagtala, Caloocan.

Bago ito ay dinaanan pa umano ni Diaz ang dalawang lalaki na nakaabang sa  dulo at saka  sumakay.

Habang binabaybay ng taxi ang Mindanao Avenue ay  biglang nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Sabay tutok ng baril kay Diaz at sapilitang kinuha ang relo nito, 1,000 kinita sa pasada. Matapos makuha ang pakay ay iginapos pa ng mga suspect ang biktima.   

Nagkataon naman na  napadaan ang mobile patrol ng QCPD sa lugar kung saan nakapagsumbong ang biktima.

Hinabol ng mga opera­tiba ang mga suspect at nang masukol, imbes na sumuko ay pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect ang mga pulis, dahilan para gumanti ang mga huli na ikinasawi ng mga suspect.

Show comments