MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis-Pasay makaraang pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga habang nagsasagawa ng opeÂrasyon, kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot nang buhay sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng maÂraming tama ng bala sa katawan ang biktimang si SPO1 Jesus Tizon, 40, nakatalaga sa Police ComÂmunity Precinct 7, at residente ng Imus, Cavite.
Sa ulat ng Pasay Police, naganap ang insidente dakong ala-1:49 ng madaling- araw nang pagbabarilin ng mga miyembro ng sindiÂkato na pinamumunuan ng isang alyas Punggoy sa may Apelo Cruz St., Brgy. 157 Zone 16, ng naturang lungsod ang pulis.
Sa pahayag ni PO1 Esmael Gadia, nagsagawa sila ng operasyon sa lugar at pinasok ang mga eskinita nang mapahiwalay sa kanila si Tizon.
Dito na sila nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanilang puntahan ang pinagmulan ay doon na nila nakita ang duguang si Tizon habang nawawala na rin ang caÂliber .9mm service pistol nito.
Agad namang humingi ng tulong sina Gadia sa motorcycle unit ng Pasay Police na nagdala sa biktima sa pagamutan ngunit nalagutan ito ng hininga dakong alas-2:20 ng madaling-araw.
Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at naÂtukoy ang bahay ng suspek na si alyas Punggoy na agad namang nakatakas.
Nasamsam sa loob ng bahay ni Punggoy ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu, shabu paraphernalia, isang kalibre .45 baril, mga bala ng kalibre .45, magazine ng Uzi, isang granada, isang palakol, isang samurai, isang jungle bolo, isang baton knife, mga pera, at iba’t ibang identification cards. Natagpuan rin ang limang basyong bala ng caliber .30 carbine rifle.
Patuloy ngayon ang manhunt operations ng pulisya upang masakote ang suspek at ang mga kasabwat nito.