MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Isang tama ng bala sa noo ang kumitil sa buhay ng biktimang si Alfie Salandanan, nasa hustong gulang na residente ng MalaÂsaga Compound, Brgy. Pinagbuhatan, sa lungsod.
Sa ulat ni PO3 Eduardo Pablo ng Criminal InvesÂtigation Unit (CIU), nabatid na ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong alas-7:45 ng gabi, malapit sa isang sari-sari store, sa nasabing compound.
Ayon sa report, nakatayo ang biktima sa lugar na tila may hinihintay na kausap nang ito ay lapitan ng isang lalaki at barilin nang malaÂpitan sa ulo
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na poÂsibleng may kinalaman sa droga ang ugat ng krimen dahil madalas umanong makita ang biktima na kaÂusap ang isang tulak sa ipinagbabawal na gamot.
Gayunman, nagsasagawa pa ng malalimang pagsisiyasat ang pulisya para mabatid ang tunay na motibo ng krimen at maÂdakip ang salarin.