MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang may bakas ng pananakal at nakabaon pa ang pako sa ulo sa lungsod Quezon kamaÂkalawa ng gabi.
Isinalarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’3’’, nakaÂsuot ng asul na maong pants, katamtaman ang paÂngangatawan, may tattoo sa kaliwang braso ng imahe ng tribal at “Triggerâ€, tattoo sa kanang braso ng tribal at kalapati sa kanang dibdib.
Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nadiskubre sa may kahabaan ng A. BoniÂfacio malapit sa panulukan ng Ipo St., Brgy. N.S. Amoranto, La Loma, sa lungsod, ganap na alas-11:30 ng gabi.
Sabi ni Balbuena, ang biktima ay nadiskubre ng mga rumespondeng barangay tanod sa lugar, matapos na ipagbigay-alam sa kanila na may nakitang lalaking nakahandusay dito.
Nang positibo ang insiÂdente ay agad na ipinagbigay-alam ito ng barangay sa pulisya para sa pagsisiyasat.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), lumabas na ang biktima ay nakitaan ng contusion sa kanyang kaliwang mata, marka ng pagkakasakal sa leeg, mga latay sa kanyang mga paa, at mga kamay, at may pakong nakabaon sa tuktok ng kanyang ulo.
Ito na ang ikalawang bangkay na itinapon sa naturang baÂrangay, sabi pa ng pulisya.