Totoy na-trauma sa holdap

MANILA, Philippines - Halos ma-trauma ang isang 12-anyos na batang lalaki  matapos itong tutukan ng banana cue  stick ng isang holdaper, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Itinago lamang sa pa­ngalang Ariel ang biktima na  nakatira sa Mesina St., Brgy. Tinajeros ng naturang lungsod.

Nakakulong naman sa Malabon City Police  ang suspek na si Wyler Hererra, 29,  ng Remegio St., Brgy.  Maysilo ng naturang lungsod.

Base sa report ng Ma­labon City Police naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi, habang naglalakad ang biktima  sa Mesina St.,  Brgy. Tinajeros ng naturang  lungsod nang lapitan ito ng suspek at tutukan ito ng banana cue stick sa leeg at saka hinoldap.

Kinuha ng suspek ang bitbit na cellphone ng totoy na biktima  bago tumakas habang nagsisigaw naman ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay.

Hinabol ng mga tambay ang suspek hanggang sa madakip at mabawi ang cellphone  at sa naturang insidente ay halos ma-trauma ang naturang totoy.

Show comments