MANILA, Philippines - Puspusan ngayon ang ginagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Manila Social Welfare Department at ng Manila Police District-District Intelligence Division laban sa iba’t ibang uri ng krimen sa lungsod partikular ang pagsagip sa mga tinaguriang ‘Batang Hamog’.
Batay sa report na tinanggap ni MPD-DID chief Supt. Villamor Tuliao, laganap ngayon sa kalye ang mga ‘Batang hamog’ na nambibiktima ng mga sibilyang nagÂlalakad at maging ng mga nakasakay sa pampubliko at pribadong sasakyan. Aniya, kailangan na maÂsagip ang mga ‘Batang Hamog’ na ginagamit ng mga sindikato.
Ayon kay Tuliao, ngayon paparating ang kapaskuhan, inaasahang mas dodoble ang pagkalat ng mga ‘batang hamog’ kung kaya’t doble din ang kanilang gagawing monitoring at paghihigpit sa mga lugar na talamak ang krimen.
Kaugnay nito, isang 14 anyos ang nadakip noong Nobyembre 8 ng mga taÂuhan ni Sr. Insp. Clark Cuyag hepe ng DPIOU, na sina PO2 Aaron Quiling at PO1 Russel na nambiktima ng mag-asawang Korean.
Lumilitaw na naglalakad dakong alas-6 ng hapon ng mag-asawang Korean nang hablutin ng suspect ang envelope na dala nito na naglalaman ng P30,000. Agad na humingi ng tulong ang mag-asawa sa mga awtoridad kung saan nadakip ang suspect.
Idinagdag pa ni Tuliao na nakikipag-ugnayan sila sa Manila Social Welfare Division upang maligtas ang mga kabataan na naglipana sa lansangan.
Sinabi ni Tuliao na kailaÂngan din ang kooperasyon ng magulang upang maisalba pa ang mga kabataang tulad nito.