MANILA, Philippines - Sugatan ang tatlong construction workers makaraang bagsakan ng overhead road protector sa kanilang ginagawang gusali kahapon ng hapon sa Global City Taguig.
Kapwa isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ang tatlong biktima matapos magtamo lamang ng bukol sa ulo, sugat at pasa sa ibat ibang parte ng katawan.
Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga biktimaÂ.
Base sa report ng Taguig City Police, naganap ang inÂsidente ng ala-1:30 ng hapon sa 30th at 3rd St. The Fort, Global City ng nasabing lungsod.
Nabatid na abala umano sa pagtatrabaho ang mga biktima nang biglang bumagsak ang overhead road protector sa kanilang ginagawang Shangri-La Hotel.
Ang overhead road protector ay mistulang screen na gawa sa bakal at ikinakabit sa mga ginaÂgawang gusali upang hindi mabagsakan ang mga nagdadaang mga sasakyan at mga tao sa pedestriansÂ.
Dahil dito patuloy pa rin nagsasagawa ng masuÂsing imbestigasyon ang mga awtoÂridad upang matukoy kung sino ang responÂsable sa insidente.