Prankisa ng 2 nagsalpukan bus sa Makati, sinuspinde

MANILA, Philippines - Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dalawang kompanya ng bus na sangkot sa aksidente na ikinasawi ng lima katao na naganap sa may Magallanes sa EDSA sa lungsod ng Makati kamakalawa.

Pinatawan ng 30 preventive suspension ang Elena Liner at MGP Trans habang isinasagawa ang pagsisiyasat hingil sa aksidente.

Nakapaloob din sa suspension ang 36 buses, 21 mula sa Elena Liner at 15  sa MGP.

Kailangan din anyang isuko  ng mga bus firms LTFRB ang yellow license plates ng mga buses na sangkot sa banggaan nitong Huwebes.

Ang insidente ay nangyari sa may kahabaan ng EDSA-Magallanes, partikular sa loading at unloading area, matapos magbanggaan ang mga naturang bus at suyurin ang mga taong naghihintay ng masasakyan sa lugar.

Lima katao ang iniulat na nasawi habang 33 pa ang sugatan.

Bukod sa suspension isasailalim din ang dalawang driver ng magkabilang bus firms sa drug tests.

Show comments