MANILA, Philippines - Patay ang isang commercial moÂdel makaraang paulit-ulit na gulpihin at ihampas ang ulo sa pader ng kanyang asawang Amerikano, kamakaÂlawa sa Makati City.
Hindi na umaÂbot pang buhay sa Makati MeÂdical Center ang 28-anyos na biktima na si Aiko Baniqued Moore, dahil sa tinamong pinsala sa ulo dulot ng paulit-ulit na paghampas sa pader.
Nadakip naman ng mga awtoridad ang asawang suspek na si James Edward Moore II, alyas Jim Moore, nanunuluyan sa Unit 4-G Rockwell Amorsolo West condominium sa Makati City.
Sa ulat ng Makati City Police, nabatid buhat sa mga kaibigan ni Aiko na malimit umanong ginugulpi ang biktima ng mister na dayuhan. PinakahuÂling insidente ay naganap dakong alas-4 kamakaÂlawa ng hapon na nasaksihan ng pamangÂkin ng biktima na si Cristina Rose at personal assistant nito na si Marvin Sunga.
Ayon sa dalawa, nakita nila na paulit-ulit na inuuntog ni Moore ang ulo ni Aiko sa pader at saka ipinosas ito. Nagawa namang makaÂlagan nina Sunga si Aiko at nagtangkang tumakas ngunit naabutan sila ng dayuhan sa may elevator kung saan dito ubod lakas na inihampas muli ang ulo ng biktima sa pader hanggang sa mawalan ito ng malay.
Rumesponde naman ang mga security personnel at mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan. Nagtangka naman umanong tumakas si Moore sa pagtakbo sa kanyang condominium unit at nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg ngunit naagapan ng mga security guard. Mabilis na dinala rin naman ito sa Ospital ng Makati kung saan nilapatan ng lunas sa kanyang sugat sa leeg.