MANILA, Philippines - ‘Grupong sundo: rapist grade 4 student.’
Ito ang mga katagang nakasulat sa kapirasong papel na natagpuan sa tabi ng bangkay ng isang laÂlaking pinaniniwalaang biktima ng salvage sa isang kalye sa lungsod ng Quezon, kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, sa kasalukuyan, wala pa ring pagkakakilanlan sa biktima na inilarawang nasa gulang na 45-50-anyos, may taas na 5’, moreno, kaÂtamtaman ang pangangatawan at may tattoo na puso sa kanyang kaliwang balikat at nakasuot ng puting-t-shirt at asul na pants.
Ang biktima ay may tama ng bala sa kaliwang pisngi na lumabas sa likurang bahagi ng kanang tenga nito. Bukod pa rito, nababaÂlutan pa ng packaging tape ang kanyang ulo, kabilang ang sa bibig. Maging ang mga kamay ay nakatali rin ng packaging tape at natagpuan sa may Road 12, Brgy. Bahay Toro, ganap na alas-9:30 ng gabi.
Malaki ang paniwala ng pulisya na dawit ang nasawi sa kaso ng panghahalay sa mga paslit base na rin sa mga katagang sadyang iniwan sa tabi ng bangkay nito.