‘Jumper’ sinita: Chairman itinumba

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng Nob­yembre 30, o sa pagtatapos ng kaniyang termino 
ang isang natalong baran­gay chairman nang itumba ito mismo ng kaniyang ka­pitbahay dahil sa paninita sa ‘jumper’ o pagnanakaw ng kuryente­, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.


Idineklarang dead on arrival sa Chinese General Hos­pital (CGH) dahil sa tatlong balang bumaon sa ulo at katawan ng biktimang si Armando Ramos, 57, Punong Barangay ng Brgy. 209, Zone 19 at residente ng No. 2637 Severino Reyes St., Tondo, Maynila.


Tinutugis naman ang ingi­nusong suspect na si Edu­ardo Manansala, alyas “Eddie­ Pusa at Eddie Bulag”, kapitbahay ng biktima na residente naman ng No. 2651 Severino Reyes St.



Sa ulat ni SPO1 Jonathan Moreno ng Manila Po­lice District-Homicide Sec­tion, dakong alas-7:46 kamaka­lawa ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.


Ang biktima at suspect ay may dating alitan dahil sa 
diumano’y paninita ng biktima sa pag­nanakaw ng kuryente (jumper­) sa 
lugar.


Nang maganap ang insidente, nasa labas ng bahay ang biktima at
 pagkatapos manigarilyo ay papanhik na umano ng bahay nang lumutang na
 ang suspect at sunud-sunod na putok ang umalingawngaw at humandusay 
ito.


Isinugod siya sa kalapit lamang na pagamutan suba­lit hindi na rin umabot ng buhay. 


Matagal na umanong may isyu ng ‘jumper’ sa lugar na pinakikinabangan ng mga residente na kinokontra umano ng biktima.

Show comments