MANILA, Philippines - Napatanga ang isang babaeng Koreana nang samsamin ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino InterÂnational Airport (NAIA) Terminal 1 ang US$ 357,000 cash na itinago nito sa kahon ng 3-in-1 coffeeÂ.
Kinilala ni Customs superÂvisor on-duty Carol DoÂfitas ang pasahero na si Kim Minjung na sakay ng Korean Airlines flight KE621 na dumating sa paliparan kahapon ng umaga.
Ayon kay Dofitas, itinanggi ng Koreana kung may idiÂdeklara siyang mga taxable goods habang nasa harapan ito at tinatanong ni Customs examiner Paula Manlangit dahil sa Customs declaÂration form na iniabot sa huli ay nakatala dito ang ‘nothing to declare.’
Napag-alamang pinabuÂbuksan ni Manlangit sa Koreana ang hand carry trolley na bitbit nito at sa pagbukas nito ay lumantad sa examiner ang 3-in-1 coffee na may mga bundle na naka-tape sa tagilaran ng karton kaya mabilis na ininspeksyon ito at doon nga nakita ang foreign currencies.
Ayon sa Customs officials, ibinalik nila ang US$10,000 cash kay Minjung samantala ang ibang salaping dala nito ay kinumpiska ‘in favor of the goverment.’
Sabi ni Minjung ang dala niyang pera ay pambayad sa lupa’t bahay na bibilhin nito.