MANILA, Philippines - May sapat na puwersa na mangangalaga sa barangay election ngayong araw sa Maynila upang tiyakin ang mapayapang pagdaraos nito
.
Ito ang tiniyak ni C/Insp. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD) kung saan sinabi nito na mula kahapon hanggang sa maÂtapos ang elekÂsiyon ngayon ay inaasahang nakaÂbantay lamang ang pwerÂsa ng kapulisan na may kaÂbuuang 1,182, bukod pa sa augmenÂtation forces mula sa Philippine Army na nasa 200.
Nabatid na mula sa MPD-Station 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, at 11 ay nagtalaga sa mga polling precincts ng may 654; nasa 344 naman ang ipinaÂkalat ng MPD headquarters; Joint Task Force mula sa National Capital Region ay nasa 88; mula sa PNP-National headquarters, Camp Crame ay 136; Regional HeadÂquarters 48; at Regional Public Safety Battalion ay 200.

Maliban pa ito sa itinalagang Philippine Army na nasa 200, na 
makakatulong din sa pagbabantay ng kapulisan.

Kabilang din sa ginagawang pagbabantay ang checkpoints at pagpapairal ng gun ban at liquor ban.