MANILA, Philippines - Nagpatupad ng rolbak ang Pilipinas Shell sa kanilang mga produktong petrolyo, simula ngayong araw ng Linggo.
Sa anunsyo ni Bobby Kanapi, tagapagsalita ng Shell, epektibo ang rolbak dakong alas-12:01 kagabi.
Sinabi ni Kanapi na bumaba umano ang presyo ng inaangkat nilang langis sa internasyunal na merkado kaya sila nagpapatupad ng rolbak.
Nabatid na nasa 40 sentimos sa kada litro sa premium at unleaded gasoline ang natapyas, 45 sentimos naman sa kada litro sa kerosene at 50 sentimos kada litro sa diesel, sa mga buong bansa maliban sa Cebu at Bohol.
Sa Cebu at Bohol na nasa “state of calamity†dahil sa tumamang lindol, nasa sentimos sa kada litro ang tatapyasin nila kada litro sa kerosene, 20 sentimos sa kada litro sa premium at unleaded gasoline at 50 sentimos sa kada litro ng diesel.
Ang mas mababang rolbak umano ay dahil sa hindi nakasama ang dalawang lalawigan sa ginawa nilang dagdag-presyo noong nakaraang Martes sa gasolina at kerosene.
Wala pa namang anunsyo ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasahang susunod rin ang mga ito sa galaw ng Shell upang makasunod sa kumpeÂtisyon.