Binully pumatay

MANILA, Philippines - Biktima umano ng pambu-bully ang isang lalaking arestado sa pagpatay ng isang UV Express driver , sa Intramuros, Maynila noong Huwebes ng umaga.

“Napikon lang po ako sa kanya kasi palagi akong tinatawag na bakla, palagi pa nila akong pinagtatawanan kapag andun ako sa may terminal nila,” depensa ni  alyas “Buknoy” na kinilalang si Marlon Ignacio Jr., residente ng  Cabildo St. , Intramuros, Maynila na suspect sa pananaksak sa biktimang si Noly Dimaculangan,42,UV Express driver at resident ng Sucat, Parañaque.

Si Buknoy ay inaresto kamakalawa ng gabi sa bahay ng kapatid nito sa Tanza, Cavite  ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section, makaraang magtago matapos ang nagawang krimen.

Sa ulat ni SPO2 Jo­nathan Bautista, nagawang saksakin sa lalamunan at leeg ng suspect ang biktimang si Dimaculangan alas- 6:35 ng umaga noong Oktubre 24, sa terminal ng UV Express sa Anda Circle, Intramuros.

Napilitang sumuko umano ng biktima, na dinatnang natu­tulog nang makumbinsi ng kaniyang tatay,  ani Bautista. Inihahanda na ang isasampang kaso laban sa suspect.

Show comments