MANILA, Philippines - Isang ginang na inspector/collector sa isang pampublikong palengke ang nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na nakasuot ng maskara sa loob ng mataong palengke sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa kaÂtawan ang biktimang si Rosario Tortoles, alyas Charie, 52, at residente sa Mayamot St., Antipolo City.
Ayon kay PO3 June AboÂgado ng Quezon City Police District Station 6, dalawang armadong suspect na sakay ng isang motorsiklo ang tumira sa biktima at mabilis ding nawala makaraan ang insidente.
Sa inisyal na imbestigasÂyon, nangyari ang insidente sa may loob ng Commonwealth market, partikular sa may Fish and Vegetable section malapit sa Kusina canteen, ganap na alas-8:25 ng umaga.
Diumano, kararating lamang ng biktima sa lugar para kumain at habang nakaupo ay bigla na lamang dumating ang mga suspect, at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang una. Matapos ang pamamaril, tila may dinampot pa umano ang mga suspect sa tabi ng biktima, na pinaniniwalaang isang maliit na bag na lagayan nito ng pera, bago tuluyang tumakas.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril at isang depormadong slugs nito.
Inaalam pa ng awtoridad ang ugat ng pagpatay sa biktima kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho.