MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang karnaper matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police ilang minuto matapos na agawan ng motorsiklo ang isang lalaki, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ni Supt. Eleazar Matta, hepe ng Quezon City Police Station 6, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga nasawi, habang isa pa nilang kasamahan ang iniulat na nakatakas.
Naganap ang shootout maÂkaraang puwersahang agawan ng mga suspect ng motorsiklo ang biktimang si Robert Codilla 24, ng Steve St. Brgy. Commonwealth.
Nangyari ang insidente sa may panulukan ng Peria Road, at Talisay St., Brgy. Old Balara, ganap na alas-12 ng madaling-araw.
Ayon sa biktima, sakay siya ng isang motorsiklo at tinuturuang magmaneho ang kanyang kaibigang babae nang dikitan sila ng isang motorÂsiklo kung saan sakay ang tatlong lalaki na may takip sa mga mukha. Ginitgit umano siya ng mga ito hanggang sa matumba.
Sa pagtayo ni Codilla, napuna niya ang mga suspect na tila may dinudukot na baril sa katawan dahilan upang agad siyang nagtatakbo palayo at iniwan ang kanyang motorsiklo patungo sa himpilan ng baÂrangay upang humingi ng ayuda.
Tiyempo namang napaÂdaan sa lugar ang isang mobile patrol ng Station 6 ay inireport ng barangay ang pangyayari saka nagsagawa ng operasyon kung saan naÂispatan ang mga suspect.
Nang sitahin ng mga opeÂratiba ang mga suspect, bigla na lamang silang pinaputukan ng mga ito dahilan para gumanti ang mga pulis.
Ilang minutong tumagal ang palitan ng putok at nang mapawi ang putukan ay nakita na lamang sa magkahiwalay na lugar ang dalawa sa mga suspect na duguan wala ng buhay. Habang ang isa sa kasamahan naman nila ang nakatakas.