MANILA, Philippines - Balik-kalaboso ang isang 28-anyos na pugante sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang madakip habang papatakas matapos mangholdap sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspect na si Darwin Mendoza, na kilala rin sa pangalang Danilo de Vera, binata, walang trabaho, at residente ng Old Antipolo St., Tondo, Maynila, ay ipinagÂharap ng mga kasong robbery hold-up at illegal possession of deadly weapon.
Sa reklamo sa Manila Police District-Station 7 ng bikÂtimang si Jane Niegos, 31, security officer, ng Valenzuela City, sakay siya ng dyip patungong Caloocan nang magpanggap na pasahero ang suspect na sumakay sa J. Abad Santos Avenue. Tinutukan siya ng patalim at tinangay ang kanyang Blackberry cell phone at tumakas sa direksiyon ng Antipolo St.
Sinundan ng biktima ang suspect at doon nagsisigaw na nakatawag ng atensiyon sa mga tanod ng Brgy. 227- Zone 21 at ng dalawang pulis ng Tayuman Police Community Precinct, kaya nadakip ang suspect at nabawi ang nasabing cell phone.
Narekober sa suspect ang may 9-na habang pulgada ng kutsilyo.
Sa beripikasyon, natukoy na ang suspect na may prison number N212P-0169 sa kasong for robbery ay nakapuga noong Hunyo 26, 2012 sa New Bilibid Prison.
Bukod pa ito sa dalawang standing sa kasong frustrated murder at attempted murder na inisyu ni Judge Danilo C. VillaÂnueva ng Branch 49, RTC, Manila.