MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na tricycle operator makaraang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspect, habang iginagarahe ang kanyang tricycle sa tabi ng kanyang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot dahil sa tinamong tama ng baril sa mukha at katawan ang biktimang si Joseph Pasagoy, tubong Pangasinan at naninirahan sa Blk. 15-A, Baseco Compound, Port Area.
Batay sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si Brendalyn Ibanez, 53, nakita pa niya ang dalawang lalaki na mabilis na nagtatakbo nang labasin niya ang mister na nakahandusay na at duguan.
Sa ulat ni PO3 Lester Evangelista ng MPD-HomiÂcide Section, dakong alas- 10:25 ng gabi nang maganap ang nasabing krimen sa main road ng Blk. 15-A sa Baseco Compound, sa gilid ng PreÂsident Corazon Aquino Health Center.
Nabatid na iginaÂgarahe na umano ng biktima ang kanyang tricycle habang nakababa na ang live-in partner nito at pumasok ng kaÂnilang bahay nang makarinig ang huli ng putok.
Nang muling lumabas si Brendalyn ay doon natuklasan ang naganap na krimen.
Patuloy pang inaalam ang motibo at pagkilanlan ng mga suspect.