Bus nagliyab sa Edsa,

MANILA, Philippines - Nagliyab ang isang pampa­sa­­­he­rong bus ma­tapos masunog sa Edsa sa kanto ng New York St., Cubao, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat kay Supt. Jesus Fernandez District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection-QC nag­liyab ang Com­muters Bus (TXL-836) sa kahabaan ng Edsa kanto ng New York St., Cubao, sa tapat ng RCPI da­kong alas-10:08 ng umaga.

Sinasabing tinatahak ng Com­muters bus na biyaheng Bac­laran-Ayala–Fairview ang kahabaan ng Edsa nang magli­yab ito sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Agad nagbabaan ang mga pasahero ng bus dahil sa takot ma­tapos mabilis na kumalat ang apoy.

Makalipas ang ilang minuto agad din na­apula ang apoy sa na­ susunog na bus.

 

Show comments