MANILA, Philippines - Ikinokonsidera na rin ngayon ng pamahalaang lungsod ng Makati na dagdag na problema sa trapiko ang mga residente na may mga kotse ngunit wala namang garahe sa kanilang mga bahay na dahilan ng “double parking†sa mga kalsada.
Isa ang naturang probÂlema sa tinalakay sa nakaÂraang Makati Transport and Traffic Summit 2013 na dinaÂluhan ng 33 kinatawan ng mga barangay sa lungsod. Layon nito na maisaayos ang masikip na daloy ng trapiko at maging ligtas ang mga kalsada sa lungsod.
Sa isyung tinalakay, nagÂreresulta ng mabigat na daloy ng trapiko ang talamak na “double at illegal parking†sa mga kalsada dahil sa kaÂwalan ng garahe ng marami sa mga residente na may pag-aaring sasakyan.
Kasama rin sa mga problemang kinakaharap ng mga barangay ang pagdagsa ng mga tindahan at stalls sa mga kalsada at bangketa na dapat ay nadadaanan ng mga naglalakad, hindi pantay na dami ng mga pampublikong sasakyan sa bilang ng pasahero, paglobo ng bilang ng pampublikong sasakyan, kakulangan sa loading at unloading bays, at pangit na ruta ng mga “PUVs (public utility vehicles)â€.
Nakatakda namang lumikha ng solusyon ng pamahalaang lungsod sa naturang mga problema sa pagpapasa ng mga ordinansa tulad ng “one-side parking†habang inabisuhan ang mga lider ng barangay na palakasin ang kanilang koordinasyon sa Department of EnvironÂmental Services at Engineering Department partikular sa pagtanggal sa mga behikulong iligal na nakaparada at mga tindahan na nasa kalsada. Dapat din umanong palakasin ang koordinasyon sa Makati Public Safety Department para naman sa paglaban sa mga kolorum na mga triÂcycle at pedicab sa lungsod.