MANILA, Philippines - Sa kabila ng pinaiiral na gun ban, isang koÂlumnista ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspect habang nakaupo sa harapan ng kanyang bahay sa Port, Area, Maynila kamaÂkalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Danilo Onanad, ng PaÂhaÂyagang Pinoy at daÂting manager ng isang comedy bar ng Block 5 Extension, Baseco compound, Port Area, Manila sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspect na tumakas dala ang baril na ginamit sa pagpatay.
Sa report ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insiÂdente sa harapan ng bahay ng biktima nang lapitan ito ng suspect at dalawang ulit na pinaÂputukan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang moÂtibo sa pagpatay sa biktima.