MANILA, Philippines - Bubuksan na sa puÂbliko ang bahay ni da ting Pangulong Manuel Quezon sa Quezon City Circle bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-74 founding anniversary ng lungsod.
Inanunsiyo ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na sa Oktubre 12, alas-8:30 ng umaga ay maaaring makita ng publiko ang naturang tahanan ng daÂting Pangulo ng bansa.
Ang 90 year old structure ay nailipat sa QC Circle mula sa orihinal na lokasyon nito sa 45 Gilmore St., New Manila, Quezon City.
Bukod sa bahay, ang mga kaanak ni dating Pangulong Quezon ay nag-donate din ng furnitures, fixtures at paintings para maipakita dito ang naging buhay ng pamilya ni Quezon.
Sa pagsusumikap at pakikipagtulungan ng QC government, ang naturang tahanan ni Quezon ay naging isang museleo ngayon at isang lugar ng inspirasyon tungkol sa walang katapusang kuwento ng pagmamahal para sa pamilya at sa bansa.