MANILA, Philippines - Patay ang isang truck driver at isang gasoline boy habang tatlo pa ang nasugatan nang araruhin ng truck na minamaneho ng una ang isang gasolinahan at saka magliyab pa sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.
Kasamang natusta si Ramon Gabayan, 52, ng Plaridel, Bulacan sa minamaneho nitong dump truck (UMB-943) habang dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng 3rd degree burn ang gasoline boy na si Jonathan Miguel, 21, ng Bagbaguin, Valenzuela City.
Sugatan naman ang truck helper na si Ramon Pulay, 26 at Thomas MartinÂ, 52 checker. Sugatan din ang kahera sa gasolinahan.
Sa ulat ng Valenzuela City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Karuhatan ng naturang lungsod nang mawalan ng preno ang dalang dump truck ni Gabayan na may kargang mga panambak.
Kahit ilang sasakÂyan na ang nasagi ng truck ay hindi pa rin ito huminto at nang lumabas ang isa pang truck na may mga kargang flywood sa Shell Gasoline Station ay iniwasan ni Gabayan hanggang sa sumalpok sa nasabing gasolinahan.
Hindi na nakalabas si Gabayan na naipit sa truck hanggang sa magliyab at nadamay si Miguel habang nasuÂgatan ang tatlo pa.