Nurse utas sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang nurse nang tambangan ito ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Tere­sita Policarpio, 46, ng Brgy. Tinajeros ng na­turang lungsod, naka­talaga ito bilang nurse sa Sanitation Department ng Malabon City Hall.                    Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang motor­siklo matapos dumalo sa seminar na ginanap sa Divine Mercy School sa Caloocan City.

Pagsapit ng biktima sa Royal Mirror sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Acacia, Malabon City ay dinikitan ito ng isang motorsiklo na sakay ang dalawang suspek at saka pinaputukan sanhi para bumagsak sa kalsada ang una habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

Show comments