Parking attendant binoga habang nagkakape

MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-an­yos na parking attendant nang barilin sa ulo at dibdib habang nagkakape, sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Albert Monteroso, ng Gate 46, Parola compound, Binondo.

Isang “Joed Zanues”, na tinatayang 30-35 anyos, residente ng Area C, Parola compound, ang sinasabing nakitang bumaril sa biktima.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 5 ng mada­ling-araw ay nakaupo sa nakaparadang tricycle sa Gate 46 ng Parola compound, ang biktima at sini­mulang higupin ang inorder na kape nang lapitan siya ng suspect at pinaputukan ng malapitan.

Pinaghahanap na ang tumakas na suspect.

Show comments