MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsisimula ng bar exams ngayon sa University of Santo Tomas, iniÂlabas ng Korte Suprema at Manila Police District ang ilang advisory para na rin sa kapakanan ng mga examinees at commuters.
Batay sa traffic advisory ang kahabaan ng España, P. Noval at Lacson St. ay kailaÂngan na mapanatiling bukas para sa mga saÂÂsakyan maliban na malamang mula alas-10:30 hanggang ala-1 ng hapon.
Ang Gate 3 sa España ay ilalaan lamang para sa mga bar exaÂminees at personnel.
KaÂilangan namang magpakita ang mga examinees ng kanilang ID sa police at SC guards na magbabantay.
May nakalaan namang unloading area para sa mga bus na magÂbaba ng kanilang bar examinees, ito ay sa Gate 2, 3 at 4 ng UST sa loob lamang ng limang minuto.
Tiniyak naman ni MPD Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel, na sapat ang kanilang pulis na itatalaga sa paligid ng UST para na rin sa seguridad ng mga examinees at mga supporters nito.
Ayon kay Coronel, nakaantabay ang mga pulis sa tulong mga barangay officials upang matiyak na hindi mauulit ang gulo sa nagdaan bar exam.
Matatandaan na kamakalawa ay nag-isyu ng Executive Order si Manila Mayor Joseph Estrada laban sa liquor ban sa paligid ng UST sa apat na linggo ng bar exam.
Batay sa EO No. 31 ni Estrada, mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta at pamamahagi ng anumang klase ng inuming nakalaÂlasing sa apat na Linggo ng Oktubre na may petsang 6, 13, 20 at 27 kung saan naka-schedule ang araw ng bar exams.
“No store, restaurant, eatery, café or any eating places or ambulant vendors shall be allowed to sell, peddle or offer for drink to any person intoxiÂcating beverages such as beer, liquors, wines and the like,†batay sa kautusan ni Estrada.
Ang liquor ban ay ipatutupad epektibo siÂmula alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-8 ng gabi partikular na ang mga nakaÂpaloob sa 200 metro mula sa “perimeter walls†ng UST na magsisimula sa kahabaan ng España Blvd., Lacson Ave., Dapitan St., at P. Noval St.
Inaasahang mahiÂgit 5,000 law students ang kukuha ng naturang pagsusulit kung saan napag-alaman na ang magiging Bar ComÂmittee Chairman ngayong taon ay si Supreme Court Associate Justice Arturo Brion.