Misis ng nawalang American citizen dumulog sa pulisya

MANILA, Philippines - Dumulog kahapon sa MPD-General Assignment Section ang misis ng isang  American national matapos mawala umano ang kaniyang 75-anyos na mister, may limang araw na ang nakalipas.

Namasyal  lamang umano ang American national na si Derick Walton, mula sa bahay nito sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City at hindi na nakauwi kaya nag-alala na ang misis niyang  si Gaudiosa Walton, 68.

Setyembre 27, dakong alas -3:00 ng hapon nang magpaalam na ma­mamasyal sa Rockwell Tower Plant Mall ang kanyang mister pero hindi na ito nakita pa. Nakasuot ng kulay puting t-shirt at kulay brown na short pants ang kanyang asawa na ma­ayos naman umano ang kondisyon ng kalusugan.

Show comments