MANILA, Philippines - Tatlo sa apat na out of school youth na menor de edad na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad makaraang pasukin at pagnakawan nila ang isang computer shop sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Ang mga batang suspect na nasa edad 13-16 ay nasa kustodiya ngayon ng Social Welfare Development ng Quezon City. Isa pang kaÂsamahan nila ang hinahanap ngayon ng awtoridad.
Sila ay inaresto ng baÂrangay Police Safety Officers sa Brgy. Holy Spirit makaraang pagnakawan ang Cyber Planet Computer shop na matatagpuan sa #3 Ligaya St., Isadora Hills, Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-7:30 ng umaga.
Narekober sa kanila ang isang HP compaq laptop (P20,000); Toshoba laptop (P20,000); at Asus laptop (P25,000).
Habang hindi naman narekober pa ang isang Imac laptop (P40,000); assorted prepaid cards (P2,000) at P500 cash.
Sa ulat ni SPO1 Malruz Carlos, imbestigador, lumilitaw na nagawang makapasok ng mga menor-de-edad sa shop sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng main gate nito.
Agad na humingi ng tulong ang may-ari sa barangay at nagsagawa ng follow-up operations na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlo sa mga menor-de- edad.
Sabi ni Carlos, nang maÂlaman ng isa sa mga nanay ng paslit na nadakip ang kanyang anak ay nagpunta ito sa barangay at boluntaryong isinuko ang tatlong laptops.