MANILA, Philippines - Dahil sa labis na problema at pagka-aburido, ipinasya ng isang biyudo na magpagkamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng santol sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawi na si Virgilio Tagudin, 67, at nanunuluyan sa Balumbato Fly-over, Quirino Highway, Brgy. Balonbato sa lungsod.
Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, si Tagudin ay natagpuan na lamang nakabitin sa puno ng kanyang anak na si Josephine, ilang minuto matapos na ito ay magpa-alam umano sa kanya. Dalawang linggo bago ang insidente, humingi umano ng pera sa kanyang anak ang nasawi para pamasahe pabalik sa kanilang probinsya sa Bicol dahil mahirap daw ang buhay na naranasan niya dito sa Manila.
Pero hindi agad ito naibigay ng anak, hanggang kahapon ganap na ala-1 ng madaling-araw ay nagsabi umano ang biktima kay Josephine ng katagang “ Nene babay na, aalis na ako, Paalam na sa inyo, maraming salamat†bagay na binalewala naman ng huli.
Pero ilang minuto ang lumipas ay nag-alala rin si Josephine dahil wala pa sa kanilang bahay ang kanyang tatay. Dahil dito, nagpasya na siyang hanapin ang ama hanggang makita ang huli na nakabitin sa puno ng santol at wala ng buhay.