Revamp sa BoC, idinepensa ni Biazon

MANILA, Philippines - Dinepensahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang isyu ng balasahan sa kawanihan.

Ayon kay Biazon, walang epekto sa ahensiya o kalituhan ang ipinatupad na kautusan dahil sa kontrobersyal na umano’y katiwalian. Aniya, nais lamang  niyang ayusin ang  BOC.

Aniya, naging maayos naman ang Customs personnel order na kautusan ng BoC para sa lahat ng mga district at port collectors bilang pagpatupad ng “return to mother unit order.”

Ito ay kasunod na rin ng pagpatupad ng revamp sa ahensiya na isa sa isinulong kamakailan sa State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inamin ni Biazon na sa ngayon hindi pa tuluyang napunan ang mga bakanteng posisyon sa ahensiya subalit hindi naman aniya apektado ang operasyon ng buong tanggapan.

Show comments