MANILA, Philippines - Maaaring nang malibre sa mga sinehan sa Maynila ang mga public schools teachers ng lungsod.
Ito’y sakaling pumasa ang ordinansang inihain ni Manila 4th District Councilor Don Juan ‘DJ’ Bagatsing sa konseho na tatawaging ‘Manila Public School Teachers’ Cinema Consolation’.
Naniniwala si BagatÂsing, na marapat lamang na bigyan konsolasyon ang mga guro sa pamaÂmagitan nito dahil malaki ang naitutulong ng mga ito sa lungsod ng Maynila.
Nakasaad sa ordinansa na maaaring makapanood ng sine, dalawang beses sa isang buwan ang guro na nagtuturo pa at may kaukulang identification cards.
Gayunman hindi maaaÂring gamitin ang prebilehiyo sa mga premier nights, sneak previews o first day showing.
Inaatasan din ng ordiÂnansa ang Manila Division of City Schools at Manila Social Welfare Department na magkaroon ng koordinasyon hinggil sa pag-iisyu ng special Movie card sa mga kuwalipikadong guro.
Paliwanag ni BagatÂsing, sa oras na lumusot sa konseho ang ordinansa kailangan aniyang ipatupad ito sa loob ng 15 araw.
Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng isang taon o pagmumultahin ng P5,000.