Ginang inararo ng bus sa ‘killer highway’

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang makaraang araruhin­ ng isang rumaragasang pampa­saherong bus sa tinaguriang killer highway sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni SPO4 Nelson Apostol ng Quezon City Police Traffic Sector 5, ang bik­tima na si Merly Garanto, 44, ng Water hole A, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nakilala naman ng awto­ridad ang driver ng bus na si Jovan Corpuz, 29, ng Cala­mansian, Caloocan City.

Ayon kay Apostol, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Don Fabian St., ng nasabing barangay ganap na alas-5:10 ng umaga­.

Diumano, tinatahak ng Fermina Express bus (UWD-682) na minamaneho ni Corpuz ang kahabaan ng naturang kalye galing ng Fairview at patungong Philcoa, nang pagsapit sa Don Fabian St., biglang nahagip nito ang pa­patawid na biktima.

Sa lakas ng pagkaka­bundol, nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan ang ginang na agad namang sinaklolohan ng mga residente at itinakbo sa Malvar General Hospital subalit idineklara ding dead-on-arrival.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ni Corpuz.

 

Show comments