Koreano tumalon mula 11th floor, lasog

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang Korean national makaraang tumalon umano buhat sa ika-11 palapag ng isang condominium building sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang nakilala sa pangalang Kim Fu-Jin, at naninirahan sa Citadel Inn Makati na nasa P. Burgos St., Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Napag-alaman na may kapansanan sa pag-iisip na “cerebral palsy” ang biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa naturang gusali.  Nagulat na lamang ang mga residente ng condominium nang biglang lumagabog sa labas sa unang palapag hanggang sa matagpuan ang duguang katawan ng biktima.

Nabatid na nagtungo sa naturang gusali ang biktima kasama ang kaibigang Koreano na hindi binanggit ang pangalan, upang dalawin ang ama niyang naninirahan sa naturang condominium.  Nagulat na lamang ang ka­ibigang Koreano ng biktima nang biglang tumalon ito nang sumapit sila sa ika-11 palapag.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman ang pag­papakamatay ng dayuhan sa taglay nitong kapansanan. Biniberipika rin kung may kinalaman ang pagtalon sa sinasabing naging­ problema ng biktima sa isang kasin­tahan na Pinay.

 

Show comments