2 bangkay lumutang sa ilog

MANILA, Philippines - Halos  hindi na makilala at maga na ang  buong katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nang matagpuan sa  Ilog Pasig sa kasagsagan ng ulan sa  Sta. Ana, Maynila, kamakalawa.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 30, may taas na 5’2’’ hanggang 5’4’’, walang damit pang-itaas at nakasuot ng maong na short pants.

Dakong alas-9:00 ng umaga­ nang matagpuan ng isang Benjamin na naka­destino sa Manila Boat Rowing­ Club sa #2243 Havanna St., Sta. Ana, Maynila ang biktima na palutang-lutang­ sa nasabing ilog na naging dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya.

Ang bangkay ay dinala ng pulisya sa St. Rich Fune­ral  upang isalang sa awtopsiya at safe-keeping.

Samantala, isang bangkay pa ng di-kilalang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig na sakop ng Brgy. Pineda, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay inilara­wang nasa edad na 25 hanggang 30-anyos, may taas na 5’7”, malaki ang panganga­tawan, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt na mayroong tatak na “Western Union”, kulay­ brown na maong pants at may tattoo ng ‘BCJ 32’ sa kanang bahagi ng likod.

Batay sa report, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang matagpuan ni Reynaldo Alarana ang bangkay sa ilog Pasig na sakop ng New MRR Road, Purok 4, Brgy. Pineda.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga barangay tanod si Alarana upang ma­iahon ang bangkay.

Lumitaw sa imbestigas­yon na may ilang araw nang nakalutang ang bangkay ng biktima sa ilog dahil sa namamaga  na ang katawan nito.

 

Show comments