MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na linggo, nagpatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Lunes.
Kabilang sa mga nagdeklara ng rolbak ang mga kumÂpanya ng Shell, Petron, PTT at Seaoil.
Magkakahalintulad na presyo ang itinapyas ng naturang mga kumpanya, P.70 sentimos sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, P.90 sentimos sa diesel at P1 naman sa kerosene.
Epektibo ang naturang rolbak dakong alas-12:01 ng Lunes ng madaling-araw. Wala pa namang advisory ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa ngunit inaasahan na susunod rin ang mga ito sa bagong galaw sa lokal na merkado.
Nitong nakaraang linggo, nagtapyas rin ang mga kumpanya ng langis ng P.30 kada litro ng gasoline at P.30 sa kerosene.
Samantala, tumaas naman ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong SetyemÂbreÂ. Nasa 18 sentimos kada kilowatt-hour (kWh) ang itiÂnaas ng kumpanya.
Bunsod umano ito sa pagtaas ng 13 sentimos kada kWh sa generation charge na sinisingil mismo ng Meralco at mas mataas na presyo ng enerhiya na buhat naman sa Wholesale Electricity Spot Market.